Inang Sakdal Linis
Inang sakdal linis Kami ay ihingiSa Diyos Ama namin;Awang minimithi.
Ave, Ave, Ave Maria Ave, Ave, Ave Maria
Bayang tinubua'y ipinagdarasal at kapayapaan nitong sanlibutan.
Ave, Ave, Ave Maria Ave, Ave, Ave Maria
Pambungad na Panalangin
Pari:
Sa Ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo.
Lahat:
Amen.
Pari :
Mga kapatid, bilang mga anak ng ating Banal na Ina ay nagtipon-tipon tayo sa harap ng kanyang mapaghimalang larawan upang parangalan siya at humingi ng lahat ng ating kailangan.
Pari :
Dahil sa tayo ay di karapat-dapat na mga anak, humingi muna tayo sa Diyos ng awa at patawad.
Lahat:
Mahabaging Ama, sinugo mo sa lupa ang Iyong Banal na Anak Upang tubusin at iligtas kami sa pamamagitan ng kanyang pagkamatay at muling pagkabuhay, at upang bigyan kami ng bagong buhay. Sa pamamagitan nito ginawa Mo kaming Iyong mga anak upang magmahalan kami tulad ng pagmamahal ni Kristo sa amin. Anong limit naming malimutan ang dakila naming karangalang ito. Nagkasala kami sa aming mga kapatid; nagkasala kami sa Iyo. Mahabaging Ama, patawarin Mo kami. Tapat naming pinagsisisihan ang aming mga kasalanan. Kahabagan Mo kami, maawaing Ama. Lagi nawa kaming mabuhay bilang matapat mong mga anak.
Birhen Maria, Tala sa Umaga
Birhen Maria, tala sa Umaga noon pa man ay itinangi ka. Ang ‘yong liwanag ang takdang lulupig kay Satanas, tao’y ililigtas. Iyong tunghan kaming nananambitan at ang lupang iyong tinapakan. Tulong mo’y ilawit sa ‘min Maria ngayon at sa aming kamatayan. Ang kalinisan mo’y iginagalang naming mahina’t makasalanan. Awa ng Diyos ang aming kahilingan Birhen Maria, kami’y tulungan.
Panalangin sa Novena
Mahal na Ina ng Laging Saklolo, buhat sa krus ibinigay ka sa amin ni Hesus upang maging Ina namin. Ikaw ang pinakamabait, pinakamasintahin sa lahat ng mga ina. Buong giliw mong tunghayan kaming iyong mga anak na ngayon ay humihingi ng iyong tulong sa lahat ng aming pangangailangan lalung-lalo na ang biyayang ito …
(tumigil at sabihin ang iyong mga hangarin).
Noon ikaw ay nasa lupa, minamahal na Ina, ikaw ay buong pusong nakiramay sa paghihirap ng iyong Anak. Sa tulong ng iyong pananalig at pagtitiwala sa maka-Amang pagmamahal ng Diyos tinanggap mo ang Kanyang Mahiwagang Kalooban. Mayroon din kaming mga krus at mga tiisin sa buhay. Kung minsan ang mga ito'y parang hindi na namin kayang pasanin. Pinakakamahal na Ina, bahaginan mo kami ng iyong malaking pagtitiwala sa Diyos. Ipaunawa mo na walang katapusan ang pagmamahal ng Diyos sa amin, at tinutugon Niya ang lahat ang aming mga panalangin sa paraang makabubuti sa amin. Palakasin mo ang aming loob sa pagpapasan ng krus tulad ng iyong Banal na Anak. Tulungan mong maunawaan namin na sinumang nakikibahagi sa krus ni Kristo ay tiyak na makakabahagi rin ng Kanyang muling pagkabuhay. Pinakamamahal na Ina, habang kami ay nababahala sa sarili naming mga suliranin huwag sana naming malimutan ang mga pangangailangan ng iba. Mahal na mahal mo sila; tulungan mong maging ganito rin ang aming pagmamahal sa kanila. Samantalang idinadalangin namin ang aming mga adhikain at mga adhikain ng lahat ng naririto ngayon. mataimtim sa loob na hinihiling namin sa iyo, aming Ina, tulungan mo kaming makapagdulot ng aliw at ginhawa sa mga may sakit at sa mga malapit nang sumakabilang buhay, magpahilom ng sugat ng mga pusong wasak, magpagaan ng tinitiis ng mga inaapi, at turuan ng katarungan ang mga sa kanila'y nang-aapi at ibalik sa Diyos ang lahat ng mga nagkasala sa Kanya. Pinakamamahal na Ina, tulungan mo kaming umiwas sa kasalanan na naglalayo sa amin sa aming Ama sa langit at sa isa't-isa. Buong tiwala naming isinasalalay ang aming sarili sa iyong pagkalinga at lubos na umaasang kami'y iyong tutulungan.
Amen.
Panalangin Para sa Tahanan
Ina ng Laging Saklolo, pinili ka naming Reyna ng aming tahanan. Hinihiling naming pagpalain mo ang aming pamilya sa pamamagitan ng iyong matimyas na pagmamahal. Mahigpit nawang bigkisin ng Sakramento ng Kasal ang mga mag-asawa upang lagi silang maging tapat at mapagmahal sa isa't-isa tulad ng pagmamahal ni Kristo sa Santa Iglesia. Hinihiling naming pagpalain mo ang lahat ng mga magulang. Mahalin nawa nila ang mga anak na ipinagkatiwala ng Diyos sa kanila. Nawa’y lagi silang maging huwaran ng kanilang mga anak sa pamamagitan ng kanilang tunay na buhay-Kristiyano. Tulungan mong palakihin at arugain ang kanilang mga anak na may pagmamahal at takot sa Diyos. Pagpalain mo ang mga bata upang kanilang mahalin, igalang at sundin ang kanilang ama at ina. Sa iyong magiliw napagpapala tangi naming ipinagkakatiwala ang mga kabataan ngayon. Bigyan mo kaming lahat ng pagpapahalaga sa aming pananagutan nang matupad namin ang aming tungkulin na gawing pugad ng kapayapaan, ang aming tahanan tulad ng iyong tahanan sa Nasaret. Ikaw ang aming huwaran. Tulungan mo kami upang sa araw-araw ay lalong magningas, ang dalisay naming pagmamahal sa Diyos at kapwa, nang sa gayo'y maligayang maghari ang katarungan at kapayapaan sa buong sangkatauhan.
Amen.
Mga Kahilingan sa Ating Ina ng Laging Saklolo
Santa Maria
IPANALANGIN MO KAMI
Santang Birhen na ipinaglihing walang kasalanan
IPANALANGIN MO KAMI
Aming Ina ng Laging Saklolo
IPANALANGIN MO KAMI
Kaming makasalan ay tumatawag sa iyo
MASINTAHING INA, TULUNGAN MO KAMI
Upang mapuno kami ng Espiritu Santo at maging mga magigiting na saksi sa pagmamahal ni Kristo sa tao.
MASINTAHING INA, TULUNGAN MO KAMI
Upang katulad mo, ay unti-unti kaming matulad sa aming mahal na Panginoon.
MASINTAHING INA, TULUNGAN MO KAMI
Upang kami'y maging mapagpaumanhin at mapagkumbaba katulad ng inyong Anak na si Jesus.
MASINTAHING INA, TULUNGAN MO KAMI
Upang kami'y matakot na lubusang masira ang pakikipagkaibigan ng Diyos sa amin dahil sa ayaw naming pagsisihang kasalanan
MASINTAHING INA, TULUNGAN MO KAMI
Upang lagi naming sikaping matamo ang awa at patawad ng Diyos sa Sakramento ng Kumpisal.
MASINTAHING INA, TULUNGAN MO KAMI
Upang maunawaan namin na kami‘y tinuturuan ng Diyos sa pamamagitan ng mga pangyayari sa araw-araw na pamumuhay…
MASINTAHING INA, TULUNGAN MO KAMI
Upang manalangin kami araw-araw na may pagmamahal at patitiwala, lalo na sa mga sandali ng tukso.
MASINTAHING INA, TULUNGAN MO KAMI
Upang maunawaan namin ang halaga ng sama-samang pagsamba sa Diyos sa Eukaristiya
MASINTAHING INA, TULUNGAN MO KAMI
Upang patuloy na mag- alab ang aming pag-ibig kay Kristo at sa kapwa sa pamamagitan ng malimit na pagtanggap ng Banal na Komunyon.
MASINTAHING INA, TULUNGAN MO KAMI
Upang igalang namin ang aming katawan bilang mga templo ng Espiritu Santo.
MASINTAHING INA, TULUNGAN MO KAMI
Upang magsikap kaming maging tunay na mga Kristiyano sa pamamagitan ng mapagmahal at pagmamalasakit sa iba.
MASINTAHING INA, TULUNGAN MO KAMI
Upang ipahayag namin ang dangal ng trabaho sa pamamagitan ng katapatan sa aming mga gawain.
MASINTAHING INA, TULUNGAN MO KAMI
Upang buong puso naming patawarin ang mga nakagawa sa amin ng masama.
MASINTAHING INA, TULUNGAN MO KAMI
Upang maunawaan namin ang kasamaan ng paghahangad sa sariling kapakanan na makapipinsala sa iba.
MASINTAHING INA, TULUNGAN MO KAMI
Upang tumulong kami na ipamahagi ang kayamanan ng mundong ito alinsunod sa katarungan.
MASINTAHING INA, TULUNGAN MO KAMI
Upang gamitin namin ang aming mga kakayahan para sa ikabubuti ng iba…
MASINTAHING INA, TULUNGAN MO KAMI
Upang tanggapin namin ang aming pananagutan sa lipunan ayon sa diwa ng tunay na paglilingkod…
MASINTAHING INA, TULUNGAN MO KAMI
Upang idalangin namin na patnubayan at patatagin ng Espiritu Santo ang loob ng Santo Papa, ng mga obispo at mga pari…
MASINTAHING INA, TULUNGAN MO KAMI
Upang pagkalooban kami ng Panginoon ng maraming mga kabataan na may hilig na magpari, mag-ermano at magmadre…
MASINTAHING INA, TULUNGAN MO KAMI
Upang matulungan naming kilalanin at mahalin si Kristo ng mga hindi pa nakakakilala sa kanya.
MASINTAHING INA, TULUNGAN MO KAMI
Upang maunawaan namin na sa gitna ng aming mga tagumpay, kami ay nangangailang pa rin ng tulong ng Diyos.
MASINTAHING INA, TULUNGAN MO KAMI
Upang sa kamatayan ay maging handa kaming pumasok sa tahanan ng aming Ama sa langit.
MASINTAHING INA, TULUNGAN MO KAMI
Upang mamatay kaming kaibigan ni Kristo at ng aming kapwa.
MASINTAHING INA, TULUNGAN MO KAMI
Upang pagdating ng kamatayan sa aming mga minamahal sa buhay kami sana'y aliwin ng aming pag-asa sa Panginoong muling nabuhay.
MASINTAHING INA, TULUNGAN MO KAMI
Upang idalangin namin na ang mga yumao ay makinabang agad sa muling pagkabuhay ng iyong Anak.

( tahimik nating idalangin ang ating mga hangarin)
LAHAT :
Sta. Maria, tulungan mo kami sa aming pangangailangan, ipanalangin mo ang bayan ng Diyos, maranasan
nawa ng lahat ang iyong walang hanggang saklolo.
PARI :
Panginoon, ibinigay mo sa amin si Maria upang maging Ina namin na laging handang dumamay sa amin.
Loobin mo nawa na dumulog kami sa kanya sa lahat ng aming pangangailangan.
LAHAT :
Amen.
Pag-aalay ng Sarili sa Ating Ina ng Laging Saklolo
(Unang Miyerkules lamang)
Kanilis-linisang Birhen Maria, Ina ng Diyos at Ina ng Santa Iglesia, ikaw ay amin ding Ina na laging handang sumaklolo sa amin. Taglay ang mga pusong lipos ng pag-ibig sa iyo iniaalay namin ang aming sarili sa iyong Kalinis-linisang Puso upang kami ay maging tapat mong mga anak. Ihingi mo kami ng tunay na pagsisi sa aming mga kasalanan at katapatan sa aming mga ipinangako nang kami ay binyagan. Iniaalay namin sa iyo ang aming puso't kaluluwa upang lagi naming sundin ang kalooban ng aming Ama sa langit. Iniaalay namin sa iyo ang aming buhay upang lalo naming mahalin ang Diyos at mabuhay kami hindi para sa aming sarili kundi para kay Kristong iyong Anak. At upang siya’y aming makita at paglingkuran sa aming kapwa. Sa abang pag-aalay na ito, pinakamamahal na Ina ng Laging Saklolo, ipinangangako namin na ang aming buhay ay itutulad namin sa iyo ikaw na pinakaganap na Kristiyano upang matapos naming mailaan sa iyoang aming sarili, sa buhay at kamatayan ay makapiling nawa kaming iyong Anak magpakailanman.
Amen.
Birheng Mahal
Birheng mahal, Birheng mahal,Ang nasa ko'y ano?
Di nais ang kayamananAt tuwang napaparam;
O, Birheng mahal, Birheng mahalAng samo ko'y ito:
Si Hesus na kalong mo sa bisig ligaya ng buhay ko.
Birheng mahal, Birheng mahal,Dagat itong buhay.
Ang ‘yong Anak ay itanglaw at nang di maligaw;
At, Birheng mahal, Birheng mahal,Ang nais ko'y ito:
Sa hantungan nitong paglalakbay si Jesus ay makamtan.

Handog ng Tagapagligtas
Handog na TagapagligtasLangit sa amin nagbukas
Pagkalooban ang iyong angkan ng pananggol sa kasamaan
Ang isang Diyos ay purihin.Tatlong Persona ay sambahin;
Ang buhay namin ay palawigin hanggang sa buhay na darating.
Pagkalooban ang iyong angkan ng pananggol sa kasamaan
Ang isang Diyos ay purihin.Tatlong Persona ay sambahin;
Ang buhay namin ay palawigin hanggang sa buhay na darating.
Amen…
Pasasalamat
Panginoon Hesukristo, na nasa Banal na Eukaristiya,sinasamba ka namin. Ikinalugod ng Ama na ang buo Niyang pagka-Diyos ay sumasa-iyo. at sa pamamagitan mo niloob Niyang pagkasunduin sa kanya ang lahat ng bagay. Loobin Mo na kami ay lubos na magpasalamat sa lahat ng ginawa sa amin ang Ama. Loobin mong pagsisihan naming lubos ang aming mga kasalanan. Sa pamamagitan Mo, pinasasalamatan namin ang Ama sa pagbibigay niya sa amin ng buhay. Nilikha niya ang lahat ng kahanga-hangang mga bagay para sa amin. Nawa'y gamitin namin ang mga ito sa kabutihan at nawa'y pagningasin ng mga ito ang aming pagmamahal sa Kanya. Higit sa lahat, pinasasalamatan namin ang aming Ama sa pagsusugo Niya sa iyo: bilang siyang pinakadakilang tanda ng kanyang pagmamahal na nagligtas sa amin. at sa lahat ng sangkinapal sa pamamagitan ng iyong pagkamatay at muling pagkabuhay. Nagpapasalamat kami sa iyo, Panginoon, sa pagbibigay mo ng Iyong Ina upang maging Ina namin ng laging saklolo. Harinawang ang di mabilang na biyayang tinaggap namin sa tulong niya, lalo na sa pamamagitan ng pagnonobena sa kanyaay makapukaw sa aming damdamin upang maragdagan ang aming pagtitiwala sa mapagkalingang awa ng Diyos. at sa walang sawang pagdamay ng iyong Ina. Loobin mo nawa na lagi kaming sumunod sa banal na kalooban ng Diyos at mahalin siya ng walang hanggan. ANG KARANGALAN, KALUWALHATIAN AT PASASALAMAT AY MAPASA KABANAL-BANALANG TATLONG PERSONA … AMA * ANAK AT ESPIRITU SANTO * MAGPASAWALANG- HANGGAN AMEN.
Panalangin Para Sa Mga Maysakit
Panginoong Hesukristo, pinasan mo ang aming tiisin at dinala mo ang aming mga dalamhati upang iyong ipakilala ang halaga ng pagtitiis, at ng pangangailangan ng tao ng iyong tulong. Magiliw mong dinggin ang aming mga panalangin para sa mga minamahal namin at para sa ibang mga may karamdaman. Loobin mo nawang maunawaan ng mga taong labis na nahihirapan dahil sa dinaranas nilang mga sakit at karamdaman na sila’y kabilang sa iyong mga hinirang. Tulungan mong maunawaan nila na sila ay kaisa mo sa iyong mga pagtitiis para sa ikaliligtas ng sangkatauhan.
Amen.
Sambahin ang Panginoon
Sambahin ang Panginoonnaririto sa altar kamatayan niya’y tagumpay na sa atin nagbibigay ng pag-asa sa ligaya at buhay na walang hanggan. Ang tinapay at ang alak na aming tinatanggap dito sa ‘yong Sakramento, O Hesus ay buhay mo. Pag-alabin aming puso sa ningas ng pag-ibig mo.
Amen, Amen.
V:
Binigyan mo sila ng pagkaing galing sa langit
(Aleluya)
Binigyan mo sila ng pagkaing galing sa langit
(Aleluya)
R:
Bukal ng lahat ng kaligayahan.
(Aleluya)
Bukal ng lahat ng kaligayahan.
(Aleluya)
Manalangin tayo
Panginoon naming Diyos, sa pamamagitan ng mahiwagang pagkamatay at muling pagkabuhay ng iyong Bugtong na Anak, iniligtas mo ang tao. Lipos ng pagtitiwala naming ipinahahayag ang hiwagang ito sa pamamagitan ng Eukaristiya. Tulungan mong maranasan namin ang ginawa mong pagsakop, alang-alang kay Kristong aming Panginoon.
Amen.
Pagpupuri
Purihin ang Diyos.
Purihin ang kanyang Santong Ngalan.
Purihin si Hesukristo, Diyos na totoo at Taong totoo.
Purihin ang Ngalan ni Hesus.
Purihin ang Kanyang Kabanal-banalang Puso.
Purihin ang Kanyang Kamahal-mahalang Dugo.
Purihin si Hesukristo sa Santisimo Sakramento sa altar.
Purihin ang Diyos Espiritu Santo, ang Mang-aaliw.
Purihin ang dakilang Ina ng Diyos na si Maria Santisima.
Purihin ang maluwalhating pag-akyat sa langit kay Maria.
Purihin ang ngalan ni Maria, Birhen at Ina.
Purihin si San Jose na kanyang kalinis-linisang esposo.
Purihin ang Diyos sa Kanyang mga anghel at sa Kanyang mga santo.

O Sakramentong Mahal
O Sakramentong Mahalna sa langit buhat ang puri ng kinapal Iyong iyong lahat Iyong-iyong lahat.
Aba Ginoong Maria
Aba Ginoong MariaNapupuno ka ng grasya Ang Panginoong Diyos ay sumasaiyo Bukod kang pinagpala sa
babaeng lahatat pinagpala naman ang iyong Anak na si Hesus.
Santa Maria, Ina ng DiyosIpanalangin mo kaming makasalanan ngayon at kung kami ay mamamatay.
Amen.